Kwentong kuya!
Natutuwa ako sa mga kuya ko. Kahit wala akong ate, okay lang. Pero bago ako tumuloy sa tunay kong ibablog, kwento ko muna yung unang plano ng mga magulang ko. Hihi. XD
Dapat wala ako sa mundong ito. Ang plano kasi nila, dalawang anak lang. Isang babae, isang lalaki. Eh naging dalawang lalaki. So eto ako, HAHAHA. Yun lang.
Kwento ko lovelife ng mga kuya ko. Yung panganay kong kuya, sa pagkakaalam ko, tatlo palang nagiging girlfriend nito. Una, nung high school. Kilala ko yung babae. Nagmemessage pa dati sa kin sa friendster eh. Graduate na ngayon ng UP. Pangalawa, yung pa-hard-to-get nung nasa La Salle pa sya. May boyfriend yung girl kaya lihim na pagtingin lang ang kaya ng kuya. Alam nung babae na may gusto sa kanya ang kuya, pero hindi sya pinupursue ni kuya. Tapos nung nagbreak sila nung bf nila, ang kuya hinanap. Eh di syempre, hindi naman tanga ang kuya para maging panakip butas lang. Iniwan. Friends sila ngayon. :) Eto malupit patatlo, 4 years older sa kanya. Nagkakilala ata sila dahil katrabaho ng pinsan namin yung gf nya ngayon. 3 years na sila sa pagkakaalam ko. Dati ayaw ko dun sa girl dahil di nya ako binabati pag napunta syang bahay at tsaka mas matanda sa kapatid ko eh. Pero tuwing may occasion na related sa kin, lagi nya akong nireregaluhan. hahaha Eh di syempre okay na. XD
Si second brother naman. 3 din to. Una, high school. 3 taon bago sya nakamove on dito. First love nya eh. Pangalawa, tino time sya nung babae. Kung kaya ko lang sanang upakan yung babae. Naawa rin kasi ako sa kuya eh. Lagi na lang syang bigo. Wala pang pangatlo. Coming soon palang. Nililigawan pa nya eh. Madalas nyang mabanggit na nasali daw sa pageants. Yieee.. AT! KPOP FAN! Ayan na. Click na kami nito! Pero sana naman, kung maging sila, wag nya namang lolokohin ang kuya. Nakakaawa na eh.
Tinanong ko ang sarili ko ano bang posisyon ko para husgahan ang pag-iibigan nila? Hindi naman ako yung naibig. Hinayaan ko na lang.
Pero kung lovelife ko ang tatanungin, coming soon pa. Hahaha deh joke. Masyado silang protective kaya walang makalapit sa kin eh. At tsaka sa personality kong to, wala pang makakatiis. Di rin naman ako nagmamadali. Dadating naman tayo dyan. :)